May 30, 2025

Home BALITA

5 na taong gulang na bata kabilang sa nasawing inararo ng SUV sa NAIA

5 na taong gulang na bata kabilang sa nasawing inararo ng SUV sa NAIA
Photo courtesy: Philippine Red Cross/Facebook

Kinumpirma ng Philippine Red Cross ang pagkasawi ng 4 na taong gulang na batang babae dulot ng pananagasa ng isang itim na SUV sa departure area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 nitong Linggo, Mayo 4, 2025. 

Isang lalaki rin ang naiulat na nasawi sa nasabing aksidente ngunit hindi pa tukoy ng mga awtoridad kung kabilang umano siya sa ilang Overseas Filipino Worker (OFWs) o mga naghahatid lamang na kaanak sa NAIA. 

Sa isang Facebook post, ibinahagi ng Philippine Red Cross ang kanilang naging pagresponde sa naturang aksidente kung saan isinaad din nila sa comment section ang kumpirmasyon ng nasawing dalawang indibidwal.

Ayon sa inilabas na pahayag ng New NAIA Infrastructure Corp. (NNIC), nasa kustodiya na ng Philippine National Police (PNP) ang driver ng SUV habang isinugod na sa ospital ang ilan pang nasugatan at nadamay sa aksidente. 

National

PBBM, kinumpirmang nasa Pilipinas na si Arnie Teves

KAUGNAY NA BALITA: SUV, inararo departure entrance sa NAIA; driver, timbog!

Ito ay isang developing story.