May 02, 2025

Home BALITA Eleksyon

Sen. Imee, hindi mangga kundi pinya —VP Sara

Sen. Imee, hindi mangga kundi pinya —VP Sara
Photo Courtesy: Screenshots from Imee Marcos (FB)

Dinepensahan ni Vice President Sara Duterte ang re-electionist na si Senator Imee Marcos mula sa mga kritiko nito.

Sa bagong campaign advertisement ni VP Sara kay Sen. Imee nitong Biyernes, Mayo 2, inilarawan niya ang senadora bilang pinya.

“Si Senator Imee ay hindi mangga. Si Senator Imee ay pinya. Pinyakamatapang. Pinyakamasipag. Pinyakamatalino. Pinyakakakampi ko,” saad ni VP Sara.

Dagdag pa niya, “Iboto si Senator Imee.”

Eleksyon

9,000 kapulisan, nakahandang umasiste sa araw ng Eleksyon

Matatandaang nauna nang iendorso ni VP Sara si Sen. Imee noong Abril 14, higit dalawang linggo matapos nitong kumalas sa senatorial slate ng administrasyon na “Bagong Alyansa para sa Bagong Pilipinas.”

MAKI-BALITA: ‘Itim ang kulay ng pakikiisa!’ VP Sara, pormal nang inendorso si Sen. Imee

MAKI-BALITA: Sen. Imee Marcos, kumalas na sa Alyansa para sa Bagong Pilipinas