Magkasamang nagtanghal sa entablado sina Senador Robin Padilla at Concert Queen Pops Fernandez.
Sa ikinasang DuterTEN campaign sorties sa Pangasinan noong Linggo, Abril 27, kinanta nina Robin at Pops ang original song nilang “Kumusta Ka.”
“Thank you so much, boss, sa pag-invite sa akin,” sabi ni Pops bago niya alukin ng duet si Robin.
Matapos kumanta ng dalawa, humirit pa ng kiss si Robin kay Pops.
Matatandaang nagkasama sina Pops at Robin sa action-romance film na “Videoke King” noong 2002 na idinirek ni Jerry Lopez Sineneng.