April 28, 2025

Home BALITA National

LPA, nakapasok na ng PAR; nakaaapekto sa ilang bahagi ng Mindanao – PAGASA

LPA, nakapasok na ng PAR; nakaaapekto sa ilang bahagi ng Mindanao – PAGASA
Courtesy: PAGASA/FB screengrab

Nakapasok na sa loob ng Philippine area of responsibility (PAR) ang low pressure area (LPA) na binabantayan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Lunes, Abril 28.

Base sa ulat ng PAGASA dakong 5:00 ng umaga, inihayag ni Weather Specialist Daniel James Villamil na nakapasok ang LPA sa loob ng PAR dakong 3:00 ng madaling araw nitong Lunes.

Huling namataan ang LPA sa layong 695 kilometro sa silangan ng General Santos City, South Cotabato.

Nananatili naman daw mababang maging bagyo ang naturang LPA sa loob ng 24 oras.

National

Sen. Risa sa mga Pinoy sa Canada matapos ang trahedya: ‘Nandito kami para sa inyo’

Gayunpaman, kasalukuyan daw na nakaaapekto ang LPA sa Davao Region at SOCCSKSARGEN kung saan inaasahan itong magdudulot ng maulap na kalangitan na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan at thunderdtorms.

Bukod naman sa LPA, inaasahang magdadala ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ)—na tumutukoy sa mainit na hanging nagmumula sa karagatang Pasipiko—ng maulap na kalangitan na may kasamang kalat-kalat na mga pag-ulan at thunderstorms sa mga natitirang bahagi ng Mindanao at Palawan.

Pinag-iingat ng PAGASA ang mga residente sa mga nasabing lugar sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa tuwing magkakaroon ng malalakas na pag-ulan.

Samantala, malaki pa rin ang tsansang magdadala ang easterlies—na tumutukoy sa mainit na hanging nagmumula sa karagatang Pasipiko—ng medyo maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang isolated rainshowers o thunderstorms sa Metro Manila at mga natitirang bahagi ng bansa.

Posible rin ang pagbaha o pagguho ng lupa sa naturang mga lugar tuwing magkakaroon ng malalakas na thunderstorms, ayon sa weather bureau.