April 29, 2025

Home BALITA

Driver ng SUV na bumangga at kumitil sa 11 katao sa Canada, kinasuhan ng murder

Driver ng SUV na bumangga at kumitil sa 11 katao sa Canada, kinasuhan ng murder
Photo courtesy: Pexels and contributed photo

Tuluyang sinampahan ng Canadian prosecutors ng murder ang 30 taong gulang na driver ng SUV na sumagasa at pumatay sa tinatayang 11 katao sa isang Filipino festival sa Vancouver, Canada noong Sabado, Abril 26, 2025 (araw sa Canada).

KAUGNAY NA BALITA: Festival ng mga Pinoy sa Vancouver, inararo ng sasakyan; ilang katao, patay!

Ayon sa mga ulat, kasalukuyang nahaharap ang suspek sa eight counts of second degree murder at sinasabing posible pa umano itong madagdagan habang gumugulong ang imbestigasyon.

Noong Linggo, Abril 27, ilang oras matapos ang aksidente, nasakote ng pulisya ang suspek.

National

Trust, approval rating ni PBBM, bumaba; tumaas naman kay VP Sara – OCTA

Samantala, tinatayang nasa 11 umano ang bilang ng nasawi sa nasabing aksidente, kung saan pawang mga nasa edad 5 hanggang 65 ang mga ito habang hindi naman daw bababa sa 20 ang mga sugatan.

Ayon pa sa mga ulat, ilang indibidwal pa raw ang nananatiling nasa kritikal na kondisyon.

Nagpaabot na rin ng simpatya ang Philippine Consulate General in Vancouver na patuloy umano ang pakikipag-ugnayan sa pamahalaan ng Vancouver kung mga mga Pinoy na nadamay sa aksidente. 

KAUGNAY NA BALITA: PH Consulate sa Vancouver, ikinabahala ang nangyaring aksidente sa Filipino festival