Trending ang third eviction night ng "Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition" nitong Sabado, Abril 26, matapos lumabas ng Bahay ni Kuya ang duo na sina Michael Sager at Emilio Daez.
Emosyunal na ngang nagpaalam sa PBB House ang "MiLi" at sila ang kauna-unahang male celebrity housemates na na-evict simula nang mag-umpisa ang makasaysayang kolaborasyon ng ABS-CBN at GMA Network sa nabanggit na reality show.
Naligtas dahil sa votes ng kani-kanilang fans at supporters ang iba pang duos na na-nominate, na sina Brent Manalo at Vince Dizon, gayundin sina Ralph De Leon at Dustin Yu.
Batay sa mga kuda at hanash ng netizens sa iba't ibang social media platforms, nabigla silang sina Michael at Emilio ang na-evict dahil ibang duo ang inaasahan sana nila.
Partikular dito ang Kapuso housemate na si Dustin Yu, na inuulan ngayon ng hate comments matapos ang kuwento kay Kapamilya housemate-singer Klarisse De Guzman, dahil kay Kapamilya housemate Bianca De Vera. Ang ending, natalo sila sa weekly task at wala silang budget para sa pagkain.
Si Emilio naman, bago tuluyang lumabas ng BNK, ay naipanalo ang task sa kanilang mga nominado sa pamamagitan ng pag-flip sa mga bote, kaya 100% weekly budget ang housemates at hindi sila magugutom, pero sadly, wala na nga siya sa loob at tuluyan nang lumabas sa outside world.
Kaya banat tuloy ng mga netizen, tila nagre-reflect daw ang pagboto sa PBB sa kung paano bumoto ang mga tao lalo na sa eleksyon.
Kaya naman kabado-bente ang mga netizen lalo't malapit na ang 2025 National and Local Elections.
Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens:
"Ano ba 'yan pati ba naman sa PBB ambobobo bumoto ng mga tao hahaha."
"Sayang ang galing pa nmn maging leader to... tsk mga wlang utak ang bumuto kay dustin na wlang ambag sa bnk kundi mag loveteam umay.."
"Makikita n'yo rin sa May 12 haha."
"MiLi’s eviction is just a dry run on how disappointed we could be during May 12 elections."
"Glimpse of the upcoming elections."
"Dito mo makikita gano ka 8080 bumoto mga tao."
Samantala, lumabas man ng Bahay ni Kuya ay tila mas marami nang nagmamahal ngayon kina Michael at Emilio matapos nilang ipakita ang kanilang mga "tunay na sarili" sa loob ng Bahay ni Kuya.
KAUGNAY NA BALITA: Michael Sager, Emilio Daez nagpaalam na sa Bahay ni Kuya