Isang inabandonang bus ang sinalakay ng Philippine Drug Enforcement Agency Central Visayas (PDEA-7) matapos itong maging pugad ng mga gumagamit ng ilegal na droga sa Padilla Street, Barangay Duljo Fatima, Cebu City.
Ayon sa mga ulat, apat na katao ang naaresto kabilang ang isang taxi driver na primary subject umano ng naturang operasyon.
Kasama sa mga narekober ng pulisya ang 12 pakete ng hinihinalang shabu na hindi bababa sa ₱68,000 ang halaga.
Nasa kustodiya na mga awtoridad ang mga suspek na nahaharap sa kasong Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.