April 23, 2025

Home SHOWBIZ

Nora Aunor, 'di nagsasabi ng nararamdaman sa mga anak

Nora Aunor, 'di nagsasabi ng nararamdaman sa mga anak
Photo Courtesy: Nadia Montenegro (IG), Santi San Juan/MB

Ibinahagi ng aktres na si Lotlot De Leon ang isa sa mga katangian ng nanay niyang si Superstar at National Artist for Film and Broadcast Arts Nora Aunor.

Sa latest episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” noong Martes, Abril 22, sinabi ni Lotlot na sa lahat daw ng pagkakataon ay hindi umiinda si Nora kapag may nararamdaman.

Aniya, “Sa lahat ng pagkakataon na masama ang pakiramdam niya o may iniinda. So, kapag nalalaman ko, ako ang naghahanap sa doktor niya para makausap namin.” 

“Tapos, I call for a family meeting; I call my siblings. Ito ang sitwasyon; ito si Mommy; ito ang nangyayari ngayon. Kasi kung si Mommy lang po talaga, hindi siya nagsasabi sa amin,” dugtong pa ng aktres.

Ivana Alawi, nag-aalok ng trabaho

Ayon kay Lotlot, sa ibang tao pa raw nila nalalaman ang tunay na kalagayan ng kanilang ina. Kahit kumustahin daw nila, laging okay daw ang isinasagot nito.

Matatandaang ayon sa isa sa mga anak ng Superstar na si Ian De Leon, acute respiratory failure ang naging dahilan ng pagkamatay ng kanilang ina.

MAKI-BALITA: Acute respiratory failure, ikinamatay ni Nora Aunor

Samantala, naihatid na noong Martes, Abril 22, ang mga labi ng Superstar sa huling hantungan nito sa Libingan ng mga Bayani na matatagpuan sa Fort Bonifacio, Taguig City.

MAKI-BALITA: Nora Aunor, humimlay na sa Libingan ng mga Bayani