Patay na nang natagpuan sa loob ng apartment ng kaniyang employer ang katawan ng isang Overseas Filipino Worker (OFW) na domestic helper sa Milan, Italy.
Ayon sa kumpirmasyon ng Philippine Consulate General in Milan noong Lunes, Abril 21, 2025, pinatay umano sa sakal ang biktimang OFW sa mismong apartment matapos itong pauskin ng isang magnanakaw.
"Based on news reports, our kababayan appeared to have been strangled to death by the suspect who broke into the apartment of the victim’s Israeli employer near Parco Sempione," anang Konsulada.
Ayon pa sa mga ulat, mismong ang 52-anyos niyang employer ang nakakita sa bangkay ng biktima na kauuwi lamang umano mula sa isang vacation trip.
Samantala, agad umanong natimbog ng pulisya ang 28 taong gulang na suspek na nasa kustodiya na ng mga awtoridad.
Patuloy din umano ang pakikipag-ugnayan ng Konsulada sa Milan sa pamilya ng nasawing OFW.