April 23, 2025

Home BALITA

2 estudyanteng nagmemeryenda, patay matapos mapagkamalang sangkot sa rambol

2 estudyanteng nagmemeryenda, patay matapos mapagkamalang sangkot sa rambol
Photo courtesy: Contributed photo

Patay ang dalawang criminology student matapos pagbabarilin ng suspek habang nagmemeryenda sa isang coffee shop sa San Jose del Monte, Bulacan. 

Ayon sa mga ulat, napagkamalan umanong sangkot sa rambol ang mga biktima nang barilin sila nang malapitan ng isang suspek. 

Dead on the spot ang unang binatang binaril habang nagawa pang isugod sa ospital ang kasama niya bago tuluyang bawian ng buhay.

Lumalabas sa imbestigasyon na nauna raw magkaroon ng gulo sa nasabing lugar sa pagitan ng ilang mga kabataan matapos umanong bumangga ang isang tricycle sa isang motorsiklo. Narespondehan daw agad ito ng barangay at napag-ayos ang dalawang panig. 

Eleksyon

Mariel Padilla inendorso si Camille Villar, pinusuan ni Toni Gonzaga

Matapos ang ilang sandali, dumiretso ang ilang kabataan milk tea shop kung saan nagmemeryenda ang dalawang nadamay na biktima. 

Sa panayam ng media sa isang binatilyo, tila tatay umano ng isang binata ang suspek na dumayo sa nasabing milktea shop upang ipaghiganti raw ang anak niyang sangkot sa rambol.

Samantala, nagkasa na ng manhunt operation ang mga awtoridad sa nagtatagong suspek na nahaharap umano sa double murder case. Napag-alamang minsan na rin daw nakulong ang suspek dahil sa reklamong pananaksak at pamamaril.