Sumakabilang-buhay na ang OPM singer na si Hajji Alejandro batay sa kumpirmasyon ng kaniyang pamilya ngayong Martes, Abril 22.
"It is with deep sorrow that we announce the passing of our beloved Dad and Son, Angelito 'Hajji' T. Alejandro," mababasa sa ipinadalang mensahe ng pamilya sa media.
"At this time, we kindly ask for privacy as our family grieves this tremendous loss. We appreciate your understanding and support during this difficult time. To God be the glory. " - Alejandro family
Si Hajji ay 70 anyos at kamakailan lamang ay nakipaglaban sa stage 4 colon cancer.
Habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na anumang detalye ang pamilya hinggil sa wake details.