April 15, 2025

Home FEATURES Trending

Make-up artist, inireklamo isang airline dahil sa pag-offload ng luggage niya

Make-up artist, inireklamo isang airline dahil sa pag-offload ng luggage niya
Photo courtesy: Jelly Eugenio (IG/TikTok)

Usap-usapan ang rant post ng make-up artist na si Jelly Eugenio matapos niyang ibahagi ang karanasan sa isang sikat na airline sa Pilipinas.

Kuwento ni Eugenio sa kaniyang TikTok post, pangalawang beses na raw niyang naranasan sa nabanggit na airline na ma-offload ang kaniyang make-up luggage; una sa Palawan, at ngayon naman, sa Siargao.

Ang mga nabanggit na luggage ay naglalaman ng mahahalagang gamit para sa kaniyang trabaho bilang make-up artist.

Mababasa sa caption ng kaniyang post, "PAL did it again."

Trending

Guro, nakatanggap ng sexual remarks mula sa estudyante

"They left my luggage again. And i think they will forever target my luggage for this."

"They offloaded my makeup luggage from my flight and i have to go straight to work - every makeup artist’s nightmare."

"This is the second time, first in Palawan, now in Siargao."

Saad pa niya, tiniyak pa raw niya ulit kung dapat bang isama sa check-in luggage ang ilan sa mga gamit na pang-make-up o isama na lamang sa hand-carry.

"And i respectfully asked the counter kung may chance mag-offload dahil tatanggalin ko na lang dun and ihahandcarry yung important - paulit ulit ko tinanong na sure na po ha? Because i had previous experience na nga. Sabi hindi mao-off load. Nilagyan pa ng tag na priority because nga i explained how im going straight to work," aniya pa.

"First surprise, this flight is delayed by 2hrs, we're already in the airport and our supposed plane is still in manila. No notice, no anything."

"And if i thought that was already bad, them randomly picking my 'priority' work bag to offload is a nightmare."

"Sana yung damit na luggage na lang iniwan. Mata-target talaga nila yung bag ko for work because it’s heavy. May mga makeup. May mga brush. May ilaw."

"This is tiring and traumatizing."

Dahil daw sa nabanggit na pangyayari, nawalan daw siya ng raket na may "6 digits" na bayad.

"Tapos babayad na naman kayo ng 2k sa nawala na job na 6digits. Damn," aniya.

Samantala, nag-iwan naman ng komento ang airline sa comment section ng post.

Habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang update si Eugenio kung ano ang magiging hakbang ng airline tungkol dito.

Si Eugenio ay make-up artist ng sikat na celebrities gaya nina Vice Ganda, Nadine Lustre, at grupong BINI.