Usap-usapan sa social media ang wedding gifts umano ng komedyanteng si Dennis Padilla para sa anak niyang si Claudia Barretto na ikinasal kamakailan kay Basti Lorenzo.
Sa isang Facebook post ng Kapamilya Online World noong Sabado, Abril 12, makikita ang serye ng screenshot mula sa video ni Dennis kung saan ibinibida niya ang naturang wedding gift.
“Hi, guys. Good morning. It’s an exciting day today. Prepare ko muna ‘yong mga gifts ko, itong aking souvenir [Astig Cap],” saad ni Dennis.
Dagdag pa niya, “Syempre mayro’n din akong binalot na Super Lola bagoong. Dalawang flavor ‘yan mayro’ng sweet and spicy.”
Umani ang post ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"Kung ano man ipinaparamdam at ipinapakita ngayon ng mga anak mo saiyo ngayon bunga na yan ng itinanim mo."
"Pati regalo about sakanya pa din "
"hayaan mo lang Po mga nambabash sayo. basta kung ano nagpapasaya sayo yun gawin mo. tulad nyan ginagawa mo ngayon. kala mo ba natutuwa sila sayo."
"peace of mind nalang regalo mo Dennis, mas maa- appreciate pa nila yun"
"Kahit di na sana nag abala sa regalo, wag nalang manira ng kaligayahan ng anak, mas okay sana e."
"18yrs na wlng ambag gs2 mo ikw ang bida sa kasal ng anak mo..mahiya ka nman.."
"Ano kase gagawin ng bagong kasal sa astig cap at bagoong?"
Matatandaang lumikha ng ingay kamakailan sa social media ang naging posts ni Dennis patungkol sa hindi umano niya pagkakaroon ng parte bilang magulang sa kasal ng anak na si Claudia.
KAUGNAY NA BALITA: Dennis Padilla, binudol daw ng anak: 'Father of the bride naging visitor'
Samantala, matapos ito ay bumwelta na rin ang estranged wife ni Dennis na si Marjorie Barretto sa pamamagitan ng isang panayam.
MAKI-BALITA: Marjorie Barretto, bumwelta kay Dennis: ‘My kids’ trigger is their father!’