April 18, 2025

Home BALITA

Suspek sa pagtutulak ng droga, patay sa buy-bust operation; 4 tauhan ng PDEA, sugatan!

Suspek sa pagtutulak ng droga, patay sa buy-bust operation; 4 tauhan ng PDEA, sugatan!
Photo courtesy: Pexels

Patay ang lalaking tulak umano ng ilegal na droga habang apat naman ang sugatan mula sa hanay ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) matapos ang engkwentro sa buy-bust operation sa isang subdivision sa Paranaque.

Ayon sa panayam ng media kay PDEA Undersecretary Isagani Nerez, hindi umano nila inasahan ang panlalaban ng suspek, at nilinaw rin niyang walang nasawi sa kanilang tropa. 

"We didn't expect that something will happen like that. Unfortunately that happened. But of course, our PDEA personnel are always ready for any eventuality. We thank God na hindi naman fatal wound sa ating tropa," ani Nerez.

Samantala, nasokote na rin ng mga awtoridad ang tatlo pang kasamahan ng suspek kung saan tinatayang nasa apat na kilong shabu ang kanilang narekober na hindi bababa sa halagang ₱27 milyon. 

National

First Family nagbakasyon sa Suba Beach, Ilocos Norte sa Huwebes Santo

Nakumpiska rin sa kanila ang isang sasakyan, cellphone, buy-bust money, drug paraphernalia, baril at mga bala.

Nahaharap ang tatlong suspek sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Law o Republic Act 9165.