December 14, 2025

Home BALITA National

4.4-magnitude na lindol, tumama sa Northern Samar

4.4-magnitude na lindol, tumama sa Northern Samar
Courtesy: Phivolcs/FB

Isang 4.4-magnitude na lindol ang tumama sa probinsya ng Northern Samar nitong Huwebes ng madaling araw, Abril 10, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Base sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 4:38 ng madaling araw.

Namataan ang epicenter nito 19 kilometro ang layo sa timog-silangan ng San Isidro, Northern Samar, na may lalim na 10 kilometro.

Naitala ang Intensity I sa Gandara, SAMAR.

National

Sen. Robin, 'di na trip tumakbo sa Halalan 2028

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.