Naglabas ng saloobin ang actor-comedian na si Dennis Padilla matapos dumalo sa kasal ng kaniyang anak na si Claudia Barretto noong Martes, Abril 8.
Sa deleted Instagram post, ibinahagi ni Dennis ang tila sama ng loob niya.
"GRABE KAYO!! NABUDOL NYO AKO! FATHER OF THE BRIDE NAGING VISITOR. GALING NYO!"
"Sagad Sa buto."

Ikinasal si Claudia sa long-time boyfriend niyang si Basti Lorenzo, anak ng businessman na si Martin Ignacio Lorenzo at Leah de Leon Lorenzo.
Bago ang naturang post, sa isa pang deleted post na naiulat ng Balita, ibinahagi pa ni Padilla ang larawan niya kasama ang mga anak kay Marjorie Barretto na sina Leon, Claudia, at Julia.
Hindi naman nabanggit ni Dennis kung kailan ang eksaktong araw ng pagkikita nila, subalit noong Abril 2, mukhang nagkita sina Dennis at anak na si Leon para sa kaarawan ng huli.
BASAHIN: Dennis Padilla, flinex larawan nila ng mga anak
KAUGNAY NA BALITA: Para sa mga anak: Dennis Padilla, makikipag-ayos na raw kay Marjorie Barretto
Samantala, wala pang pahayag si Claudia at iba pang mga anak ni Dennis tungkol sa naturang post.