"Nawa’y punuin kayo ng Diyos na nagbibigay ng pag-asa, ng buong kagalakan at kapayapaan dahil sa inyong pananampalataya, upang mag-umapaw ang inyong pag-asa sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu." - Romans 15:13
May mga pagkakataon sa ating buhay na nakararamdam na tayo ng matinding pagod at nauubos na paunti-unti ang pag-asa, dahil kadalasa'y paulit-ulit na lamang ang nangyayaring pagsubok at tila wala pa ring nagbabago sa ating buhay.
Ngunit sa talatang ito, ipinapaalala ni Pablo na ang Diyos ang Siyang pinagmumulang ng tunay na pag-asa.
Hindi ito batay sa sitwasyon o sa kakayahan natin, kundi sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu.
Kung tayo'y tunay na mananampalataya, pupunuin Niya tayo ng kagalakan at kapayapaan—mga bagay na hindi kayang ibigay ng mundo.
Sa pamamagitan nito, umaapaw ang ating pag-asa, kahit pa maraming hindi tiyak sa ating paligid.
Ka-faith lang! Hindi pa tapos ang kuwento.