April 25, 2025

Home BALITA Metro

3-anyos na batang babae nahulog sa balkonahe ng condo, patay!

3-anyos na batang babae nahulog sa balkonahe ng condo, patay!
Photo courtesy: Pexels

Binawian ng buhay ang tatlong taong gulang na batang babae matapos mahulog sa balkonahe ng tinutuluyang condominium unit sa Malate, Manila noong Lunes ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Baby Latha, 3, at residente ng Unit 16, na nasa ika-16th floor ng isang kilalang condo building sa Malate.

Batay sa ulat ng Manila Police District (MPD)- Homicide Section, nabatid na dakong alas-10:30 ng umaga nang madiskubre ang pagkamatay ng sanggol ng kaniyang inang si alyas “Kris.”

Nauna rito, natutulog umano ang bata kasama si alyas “Hoyeon,” barbero, na kasama ng ina ng biktima sa tinutuluyang condo unit.

Metro

MRT-3 at LRT-2, may libreng sakay para sa mga solo parent sa Abril 26

Gayunman, iniwan umano ni Hoyeon ang natutulog na paslit dahil kailangan na niyang magtrabaho.

Nang dumating naman ang ina ng biktima ay nagtaka siya dahil wala ang anak sa loob ng condo.

Hinanap ng ginang ang anak at laking gulat nang pagsilip sa balkonahe ay nakita ang bata na duguan at nasa balkonahe sa ikawalong palapag.

Kaagad na pinuntahan ng ginang ang anak at isinugod sa Ospital ng Maynila ngunit patay na ito, sanhi ng matinding pinsala sa ulo at katawan.