Niyanig ng magnitude 4.1 na lindol ang probinsya ng Surigao del Norte dakong 5:19 ng hapon nitong Lunes, Abril 7, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Base sa tala ng Phivolcs, tectonic ang pinagmulan ng lindol.
Namataan ang epicenter nito 95 kilometro ang layo sa timog-silangan ng General Luna, Surigao del Norte, na may lalim na 10 kilometro.
Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.
Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.