April 09, 2025

Home BALITA National

ITCZ, nakaaapekto sa Southern Mindanao; easterlies naman sa mga natitirang bahagi ng PH

ITCZ, nakaaapekto sa Southern Mindanao; easterlies naman sa mga natitirang bahagi ng PH
Courtesy: PAGASA/website

Inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Lunes, Abril 7, na ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) ang kasalukuyang nakaaapekto sa Southern Mindanao habang easterlies naman ang patuloy na umiiral sa mga natitirang bahagi ng bansa.

Base sa ulat ng PAGASA kaninang 4:00 ng madaling araw, inaasahang magdudulot ang ITCZ, o ang linya kung saan nagtatagpo ang hangin mula sa northern at southern hemispheres, ng maulap na kalangitan na may kasamang kalat-kalat na mga pag-ulan at thunderstorms sa BARMM, Zamboanga Peninsula, at Palawan.

Pinag-iingat ang mga residente sa mga nasabing lugar sa posibleng pagbaha o kaya nama’y pagguho ng lupa tuwing magkakaroon ng malalakas na pag-ulan.

Samantala, malaki ang tsansang magdudulot ang easterlies, o ang mainit na hanging nagmumula sa karagatang Pasipiko, ng medyo maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang isolated rainshowers o thunderstorms sa Metro Manila at mga natitirang bahagi ng bansa.

National

Mensahe ni Honeylet sa nagpakulong kay FPRRD: 'Impyerno kayo!'

Posible ang pagbaha o pagguho ng lupa sa naturang mga lugar tuwing magkakaroon ng malalakas na thunderstorms, ayon sa weather bureau.

Sa kasalukuyan ay wala namang binabantayan ang PAGASA na anumang low pressure area (LPA) o iba pang bagyo sa loob o labas ng Philippine area of responsibility (PAR).