April 07, 2025

Home BALITA National

Comelec, maglalabas ng show cause orders vs MisOr Gov. Unabia dahil sa ‘sexist’ remark

Comelec, maglalabas ng show cause orders vs MisOr Gov. Unabia dahil sa ‘sexist’ remark
(MB file photo; Cyrus Arado-Ubay Valcueba/FB screengrab)

Kinumpirma ni Commission on Elections (Comelec) chair George Garcia na maglalabas sila ng show cause order kay Misamis Oriental Gov. Peter Unabia dahil sa naging hirit nitong para lamang sa “magagandang babae” ang nursing profession.

Base sa ulat ng ABS-CBN News nitong Linggo, Abril 6, sinabi ni Garcia na maaaring magawa na nila ang show cause order para kay Unabia bukas ng Lunes, Abril 7, at maipadala sa gobernador sa Martes, Abril 8.

"Asahan n’yo may aksyon din ang Comelec sapagkat again, kung ang pag-uusapan ay sexism o 'yung mismong pagdi-discriminate sa kababaihan, kung hindi naman dahil sa relihiyon, 'yan din po ay pinoprotektahan ng atin pong guidelines at resolusyon," saad ni Garcia.

Usap-usapan ngayon sa social media ang naging pahayag ni Unabia sa isang proclamation rally noong Abril 3 kung saan sinabi niyang para sa magagandang babae lamang ang kanilang kanilang provincial nursing scholarship program dahil lalala umano ang sakit ng “lalaking pasyente” kung hinarap ng “pangit na nurse.”

National

CIDG chief Nicolas Torre, na-promote; Police Major General na!

“Kining nursing, para ra ni sa mga babaye, dili pwede ang lalaki. At, kato pa gyud mga babaye nga gwapa (Itong nursing, para lang ito sa mga babae, hindi pwede ang lalaki. At, at saka yung talagang mga babaeng magaganda),” ani Unabia.

“Dili man pwede ang maot, kay kung luya na ang mga lalaki, atubangon sa pangit nga nurse, naunsa naman, mosamot atong sakit ana (Hindi pwede ang pangit, kasi kung nanghihina ang mga lalaki, nakaharap sa pangit na nurse, e ano, lalong lalala ang sakit niyan),” saad pa niya.

MAKI-BALITA: Hirit ng MisOr Gov. na para sa magagandang babae lang ang nursing, umani ng reaksiyon