April 02, 2025

Home BALITA

Lolong nalilito at tila 'di maalala kung saan pupunta, pinapasaklolohan

Lolong nalilito at tila 'di maalala kung saan pupunta, pinapasaklolohan
Photo Courtesy: Jun Ynares (FB)

Nananawagan sa publiko ang isang netizen para sa isang 81-year-old na lolo na nasa isang ospital sa Quezon Province, dahil tila nalilito ito at hindi umano maalala ang pupuntahan.

Sa Facebook post ni Antipolo City Mayor Jun Ynares nitong Lunes, Marso 31, sinabi ni Ynares ang kalagayan ng matanda.

“Mukhang nalilito na po siya at hindi na maalala kung saan siya dapat pumunta. Buti na lang, may dala siyang Senior Citizen ID! Ang pangalan po niya ay Ernesto Manabat Lauresta at nakatira sa Tondo, Manila,” saad ni Ynares.

Sa kasalukuyan, nakipag-ugnayan na raw sila sa City Social Welfare and Development ng Manila pero patuloy pa rin ang kanilang panawagan.

National

Mga solon, senador supalpal kay Rodriguez: 'Di malayong mabankarote mga Pilipino!'

“Baka po may nakakakilala sa kanya o may kakilala sa pamilya niya, pakitulungan natin si tatay na mas mabilis makauwi. Siguradong nag-aalala na po ang pamilya niya,” dagdag pa ng alkalde.