April 02, 2025

Home BALITA

Honeylet Avanceña, mas pipiliing mangutang kaysa manghingi sa ibang tao

Honeylet Avanceña, mas pipiliing mangutang kaysa manghingi sa ibang tao
photo courtesy: screenshot: Boldyakan/FB, Ivy Tejano/MB

"'Yong mga makapal ang mukha dyan, parang awa n'yo na."

Binigyang-diin ng common-law wife ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na si Honeylet Avanceña na mas pipiliin nilang mangutang kaysa manghingi sa ibang tao.

Sinabi niya ito ng mga bali-balitang may mga nanghihingi ng pera sa ngalan ng pamilya Duterte. 

Nakapanayam ng vlogger na si Maharlika si Honeylet nitong Linggo, Marso 30. Naikuwento niya na habang nasa The Hague siya, may nakapagsabi raw sa kaniya na may nanghihingi ng tulong sa ngalan ng pamilya ng dating pangulo. Kaya naman itinanong niya kay Honeylet kung in-allow ba nila ito.

National

Mga solon, senador supalpal kay Rodriguez: 'Di malayong mabankarote mga Pilipino!'

"Pakiusap kung sinoman ho kayo. 'Wag n'yong gamitin ang pagkakataong ito, ang trahedya namin. Kung kayo ay sadyang nangangailangan sa buhay parang awa n'yo na po huwag n'yo pong gamitin ito," ani Honeylet.

"Dahil kami ho bilang pamilya, si VP Inday, si Congressman Pulong, si Mayor Baste, hindi ho kami hihingi ng tulong o pinansyal na tulong sa ibang tao. Kami ho kung kinakailangan umutang, 'yon ho ang gagawin namin," dagdag pa niya.

Nilinaw din ni Honeylet na hindi sila manghihingi o magso-solicit sa ibang tao. 

"Ang pamilya po natin ay hindi manghihingi o magso-solicit sa inyo ng kahit na anong financial na tulong. Kami nga ni VP Inday nagtutulaka. No'ng nasa Davao pa ako, sinabihan ko na si Inday, sabi ko 'bigyan mo ako ng ano magpapadala ako. Paano ko ipadala?' Hanggang ngayon hindi niya ako sinasagot. So, gano'n kami. 

"'Yong mga makapal ang mukha dyan, parang awa n'yo na."

Samantala, aminado si Honeylet na na-trauma siya sa nangyari sa dating pangulo.

BASAHIN: Honeylet Avanceña, na-trauma sa nangyari kay FPRRD