May 03, 2025

Home BALITA National

14-anyos na dalagita patay sa pananaksak ng 15-anyos na kaklase

14-anyos na dalagita patay sa pananaksak ng 15-anyos na kaklase
Photo courtesy: (contributed photo)

Patay ang isang 14 taong gulang na dalagitang estudyante matapos umanong pagsasaksakin ng kaniyang 15-anyos na kaklase sa loob mismo ng kanilang paaralan sa Paranaque City noong Miyerkules, Marso 26, 2025. 

Ayon sa mga ulat, bullying umano ang motibo ng suspek sa pagpatay sa biktima. 

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na binully daw ng biktima ang suspek dahilan upang mapikon ito at naglabas ng kitchen knife at saka nanaksak. 

Sinubukan pa umanong isugod sa ospital ang biktima ngunit idineklara na siyang dead on arrival. 

National

VP Sara, iginiit na walang ginagawa si PBBM para sa bayan kaya walang masabi si Usec. Castro

Samantala, sa panayam ng GMA Integrated News sa ina ng biktima nitong Huwebes, Marso 27, pinabulaanan niya ang umano'y pagiging bully ng anak, at iginiit na anak pa niya ang bitkima ng bullying sa kanilang paaralan. 

Ayon sa ina ng biktima, makailang ulit na raw nagsumbong sa kaniya ang anak tungkol sa umano'y pagbabanta sa kaniyang buhay. 

"Binabantaan po ang anak ko, ang sabi sasaksakin daw siya, 'papatayin kita.' Sinabi 'yon sa anak ko ng Martes, 'aabangan kita sa school.' Ang tanong ko sa anak ko parang hindi ako makapaniwala, 'gawa-gawa lang 'yan' gumanon pa ako sa anak ko,” anang ina ng biktima.

Dagdag pa niya, 'Hindi mama totoo 'yan. Mama ba ako'y mamatay.' Yun ang sagot niya sa akin, 'susunod yata ako kay papa,' sabi ko hindi mangyayari yun. 

Nasa kustodiya na ng Don Bosco Police substation ang suspek para sa documentation at imbestigasyon.

Wala pang inilalabas na pahayag ang Moonwalk National High School hinggil sa nangyaring insidente.