Pormal na inaprubahan ng House of Representatives (HOR) ang travel clearance ni Davao City Representative Paolo “Pulong” Duterte mula Marso 20 hanggang Mayo 10, 2025.
Batay sa nasabing travel clearance ni Pulong na aprubado ni House Secretary General Reginald Velasco, pang-personal travel umano ang rason ng mambabatas.
Samantala, ayon sa ulat ng GMA Integrated News kabilang sa 17 na bansang nakatakdang puntahan ni Pulong ay ang Netherlands kung saan kasalukuyang nakadetine ang kaniyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte na nasa kustodiya ng International Criminal Court (ICC) dahil sa kasong crime against humanity.
KAUGNAY NA BALITA: 'Krimen laban sa sangkatauhan' dahilan ng arrest warrant vs FPRRD – PCO
Narito ang mga bansang kabilang sa kaniyang listahan:
1. Hong Kong
2. People's Republic of China
3. Malaysia
4. Indonesia
5. Republic of Korea
6. Japan
7. Vietnam
8. Cambodia
9. United States of America
10. Australia
11. United Kingdom of Great Britain at Northern Ireland
12. Netherlands
13. Germany
14. France
15. Belgium
16. Italy
17. Singapore
Matatandaang noong Marso 13 nang dumating sa The Hague sa Netherlands ang dating Pangulo habang noong Marso 14 nang pormal na siyang sumalang sa pre-trial ng ICC hinggil sa imbestigasyon ng kaniyang naging madugong kampanya kontra droga.
KAUGNAY NA BALITA: TIMELINE: Mula pag-implementa ng drug war, pag-imbestiga ng ICC, hanggang pag-aresto kay FPRRD