Namataan na sa The Hague, Netherlands sa labas ng International Criminal Court (ICC) sina Honeylet Avanceña at Kitty Duterte, para sa pagdiriwang ng kaarawan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Biyernes, Marso 28.
Ibinahagi kamakailan ni Vice President Sara Duterte na pupunta rin sa Netherlands ang iba pa nilang mga miyembro ng pamilya para sa nalalapit na kaarawan ng dating pangulo, kabilang ang common law wife ng ama, at ang kapatid na si Kitty.
Pupunta rin daw ang kanilang inang si Elizabeth Zimmerman.
“Ang balita ko, darating si Honeylet and darating si Veronica. Hindi ko lang alam kung anong dates sila darating. Pero nagsabi sila, na darating sila,” ani VP Sara.
KAUGNAY NA BALITA: VP Sara, ibinahaging bibisita iba pa nilang pamilya sa Netherlands para sa kaarawan ni FPRRD