April 02, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Mariz Umali, may simpleng post tungkol sa 'hate' matapos 'matanda issue'

Mariz Umali, may simpleng post tungkol sa 'hate' matapos 'matanda issue'
Photo courtesy: Mariz Umali (FB)

Usap-usapan ang latest Facebook post ni GMA news anchor Mariz Umali matapos intrigahin tungkol sa isang kuhang video na tinawag daw niyang "matanda" si dating Executive Secretary Atty. Salvador Medialdea, nang isakay ito sa ambulansya at isugod sa ospital habang nasa The Hague, Netherlands noong Marso 18.

Si Mariz ay nasa International Criminal Court (ICC) upang subaybayan ang mga nagaganap sa labas ng vicinity ng ICC kung saan nakadetine si dating Pangulong Rodrigo Duterte, kaugnay sa kasong "crimes against humanity."

Sa nabanggit na video, sinabi ng isang vlogger na tila "matanda" raw ang sinabi ni Mariz na tumutukoy kay Medialdea, na ayon kay Mariz, ay tila pumikit daw nang makita siya.

Paliwanag naman ni Mariz sa kaniyang Facebook post, hindi matanda ang sinabi niya kundi "mata niya."

Tsika at Intriga

Bagong PBB celeb housemate, inakusahang 'walang ambag sa groupworks noong college'

"I wish to address and clarify an inaccurate claim about me that has gone viral regarding a statement I made about Former Executive Secretary Salvador Medialdea," ani Mariz nitong Miyerkules ng gabi, Marso 19.

"A certain vlogger has circulated a post containing my voice, claiming that I referred to Former Executive Secretary Medialdea as 'matanda' while he was on a stretcher. This interpretation is inaccurate. What I actually said was, “Tingnan mo yung ‘mata niya’ (Medialdea), nakabukas siya nung una pero nung nakita niya ako, pinikit.'"

"At that time, I, along with our stringer, was reviewing an exclusive footage of Former Executive Secretary Medialdea being taken out of the penitentiary on a stretcher. My observation was purely about his eyes—how they were initially open but closed upon seeing me during my attempt to interview him."

"It is obvious that I was misheard. I want to be clear that no disrespect was intended toward Former Executive Secretary Medialdea. I hope this clarification helps set the record straight," anang Mariz.

MAKI-BALITA: Mariz Umali nilinaw isyung tinawag niyang 'matanda' si Atty. Medialdea

Sa kaniyang latest Facebook post noong Lunes, Marso 24, ay tila may simpleng pahayag si Mariz sa lahat ng bash na natatanggap niya.

"'Radiating positivity in a world that needs more light. Good vibes only—no space for hate.' Thanks guys! You are angels sent from above ," aniya.

Ipinagtanggol din siya ng kaniyang mister na si Raffy Tima na isa ring GMA news anchor, gayundin ang field reporter na si Joseph Morong.

MAKI-BALITA: Joseph Morong sa viral video ni Mariz Umali: 'Bakit kayo naniniwala sa kasinungalingan?'