March 27, 2025

Home SHOWBIZ Pelikula

Julia Montes, hinihiling makatrabaho si Papa P

Julia Montes, hinihiling makatrabaho si Papa P
Photo Courtesy: Screenshots from Julia Montes (FB)

Nagpaka-fan girl si Kapamilya actress Julia Montes kay Ultimate Heartthrob Piolo Pascual nang dumalo ang huli sa kaniyang birthday party.

Sa latest Facebook post ni Julia noong Lunes, Marso 24, mapapanood ang video kung saan masayang niyang niyakap si Piolo.

“Papa P!!! Ang wish ko sana magkamovie tayo together. Wala naman masama mangarap! Manifesting!” saad ni Julia.

Umani naman ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing video. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

Pelikula

Morissette Amon, ganap na aktres na matapos mag-Best Actress sa MIFF 2025

"ang Bait ni Julia m.parang ang sarap maging kaibigan nakapa Simple pa nyang tao.very Humble."

"Excited npo Ako sa pilikula nila Julia at piolo..God bless idol cocojul and piolo."

"Sana may movie si Julia montes at piolo pascual"

"Ang pretty ... For me wlang malicious sa pag hug nya,, ntural lng ksi iniidolo nya..."

"Ay bet . sana nga magkaroon kau ng movie tatlo kau ni Arci Muñoz .. direk baka naman "

"Hoy magselos si coco "

"Panay Ang hug"

Matatandaang maging ang jowa ni Julia na si Kapamilya Primetime King Coco Martin ay inihayag ang sobrang paghanga nito kay Piolo sa isang panayam noong Enero 2025.

MAKI-BALITA: Coco Martin, may mga CD ni Piolo Pascual: 'Sobrang idol ko'