Nagbigay ng pananaw ang mamamahayag na si Carlos H. Conde kaugnay sa pag-aresto ng International Criminal Court (ICC) kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Si Conde ay nagsisilbing senior researcher sa Asia division ng Human Rights Watch. Ilan sa mga naisadokumento niyang tala ang EJK sa mga aktibista, mamamahayag, propesyunal, at iba pa.
Sa latest episode ng “Morning Matters with Gretchen Ho” nitong Lunes, Marso 24, sinabi ni Conde na sa gitna ng nagtutunggaliang panig, hindi dapat ilimita ang diskurso sa pagkadakip ng dating pangulo.
“The fact that he is now in The Hague, facing ICC, and undergoing a due process that he, himself, denied thousands of his victims is quite telling,” saad ni Conde.
Dagdag pa niya, “My point is that I think, the discussion and the focus of all this should not be limited on how Mr. Duterte was arrested [...] but really on the victimization of a lot of Filipino during his term. That seems to be being sweep aside by the Duterte camp for obvious reason.”
Ayon kay Conde, ang gusto raw niyang marinig mula sa kampo ni Duterte ay kung anong uri ng ebidensya ang ilalatag nila para ipagtanggol ang dating pangulo.
Matatandaang iginiit ni dating Executive Secretary Salvador Medialdea sa ginanap na Pre-Trial Chamber I ng ICC na “pure and simple” kidnapping umano ang ginawa kay Duterte.
Nakatakda naman sa darating na Setyembre 23, 2025 ang confirmation of charges hearing para sa dating pangulo.
MAKI-BALITA: Confirmation of charges hearing para kay FPRRD, itinakda ng ICC sa Sept. 23, 2025