March 25, 2025

Home BALITA

Pulis-vlogger na viral sa pagpuna kay PBBM, PNP, may mood swing issue—QCPD

Pulis-vlogger na viral sa pagpuna kay PBBM, PNP, may mood swing issue<b>—QCPD</b>
Photo courtesy: MB File photo, Font Stv vlogs/Facebook and PNP website

Inihayag ni Quezon City Police District (QCPD) spokesperson Police Capt. Febie Madrid na mayroon umanong “mood swing issues” ang trending na pulis na si Patrolman Francis Steve Fontillas.

Si Fontillas ay naging usap-usapan matapos ang mga kontrobersiyal niyang social media posts laban sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at ng Philippine National Police (PNP). 

Sa panayam ng Teleradyo Serbisyo kay Madrid noong Sabado, Marso 22, 2025, sinabi niyang mayroon umanong record ng mood swing si Fontillas noong 2023. 

“Mayroon na rin naging issue sa mga mood swing niya way back in 2023. May mga naging issue na dito sa previous unit niya two years ago,” ani Madrid. 

National

China, walang natanggap na asylum application sa kampo ni FPRRD

Dagdag pa niya, “Kaya po siya dinetail sa admin at naka-further detail sa health unit para mamonitor ang kanyang health issue kung mayroon siyang mental health issue na tinatawag.”

Nilinaw din ni Madrid na may nilabag umano sa batas si Fontillas matapos siyang mag-ingay sa social media habang naka-uniporme pang pulis. 

“Yung kanyang mga saloobin nilabas niya sa social media at habang ginagawa niya iyon, naka-uniform siya. May mga paglabag siyang nagawa,” saad ni Madrid.

Matatandaang nauna nang kumpirmahin ng QCPD na pormal na silang nakapagsampa ng kasong sedisyon laban kay Fontillas. 

KAUGNAY NA BALITA: Pulis na pumuna umano sa PNP, PBBM admin, sinampahan ng sedisyon

Habang noong Marso 20 naman nang ianunsyo ng  National Police Commission (NAPOLCOM) na pormal nang bumalik sa trabaho si Fontillas at nangako rin umano ito na hindi na muling magpo-post sa social media ng “seditious comments.”

KAUGNAY NA BALITA: Pulis na kinasuhan ng sedisyon, 'di na raw mambabatikos sa social media?