March 26, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Anyare sa mukha?' Yassi Pressman, hindi nakilala sa sariling TikTok video

'Anyare sa mukha?' Yassi Pressman, hindi nakilala sa sariling TikTok video
Photo courtesy: Screenshots from Yassi Pressman (TikTok)

Usap-usapan ng mga netizen ang isang TikTok video ng aktres na si Yassi Pressman habang sumasayaw sa kantang "Gas Pedal" ni Sage The Gemini.

"new TVC dropping tonight ~ guess what?" mababasa sa caption ng kaniyang entry na naka-upload noong Marso 21.

Sey naman ng mga netizen sa comment section, parang hindi raw nila nakilala si Yassi at parang nabago raw ang fez nito. Sa katunayan, marami pang nag-akalang si Bianca De Vera ito o kaya si Maris Racal.

"naging kamukha nya si bianca devera"

Tsika at Intriga

Tanong sa Family Feud PH tungkol sa suspek na inaaresto, usap-usapan

"Di ko nakilala si yassi "

"Ako din kala ko new show ni maris haha"

"Me na hinanap si yassie Akala ko ako lang hahaha"

"looks like maris racal "

"Sorry Yassi hinahanap kita Di kita nakilala "

Pero kontra naman ng isang netizen, "may filter mga ate ko."

Katwiran naman ng isang commenter, "Te, may filter or wala... makikila mo agad. Pero, sa video na 'to hinanap ko pa kung nasan si Yassi jan "

Segunda naman ng isa, "Yes, nung nag side view sya Yassi na."

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Yassi tungkol dito.