March 21, 2025

Home BALITA

Malacañang, masaya sa survey result ukol sa mga Pinoy na naniniwalang dapat managot si FPRRD

Malacañang, masaya sa survey result ukol sa mga Pinoy na naniniwalang dapat managot si FPRRD

Masaya raw ang Malacañang sa resulta ng isang survey kung saan  51% ng mga Pinoy ang naniniwalang dapat managot si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa mga nangyaring pagpatay sa giyera kontra droga ng administrasyon nito.

“Masaya rin po tayo na majority po ng taumbayan ay naniniwala sa naging aksyon ng pamahalaan patungkol sa isyu na yan," saad ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary and Palace Press Officer Claire Castro sa isang press briefing nitong Huwebes, Marso 20.

Dagdag pa niya, mas paiigtingin nila ang kanilang trabaho upang masawata ang fake news dahil may mga "undecided" at hindi "well-informed" sa isyu.

"May mga nakita rin po tayo na ‘yong iba ay undecided, ‘yong iba ay hindi well-informed of the situation. Sa ngayon po, lalo po nating paiigtingin ang ating pagtatrabaho para masawata ang fake news dahil malamang po ‘yong iba po na hindi pa po naniniwala sa ginawa ng pamahalaan ay dahil naniniwala doon sa fake news na kumakalat."

National

'Unfinished business' ni Roque sa House of Representatives, pinuna ng ilang mambabatas

Base sa survey ng SWS na kinomisyon ng Stratbase Consultancy at inilabas nitong Miyerkules, Marso 19, sa naturang 51% na sang-ayon na managot si Duterte, 32% daw dito ang “strongly agree” habang 19% dito ang “somewhat agree.”

Samantala, 25% naman ng mga Pinoy ang tumututol na dapat managot ang dating pangulo, kung saan 16% dito ang “strongly disagree” habang 9% ang “somewhat disagree.”

Nasa 14% naman daw ng respondents ng nasabing survey ang nagsabing “undecided” sila, at 10% ang hindi pa alam ang usapin para makapagbigay ng opinyon.

BASAHIN: 51% ng mga Pinoy, naniniwalang dapat managot si FPRRD sa drug war killings