Hindi lamang ang pagbulaga nina Vice President Sara Duterte, dating Executive Secretary Atty. Salvador Medialdea, Sen. Robin Padilla, at Atty. Harry Roque ang napansin ng mga netizen habang sila ay nasa International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands noong Marso 14, kundi maging ang kasa-kasamang guwapong close-in security ni VP Sara na matagal nang namamatahan ng mga netizen.
Nagtungo roon ang mga nabanggit na personalidad kaugnay pa rin sa pag-aresto ng ICC kay dating Pangulong Rodrigo Duterte, na nahaharap sa kasong "crime against humanity."
Agad na nag-trending sa social media ang pag-alam at pag-ungkat ng mga netizen kung sino nga ba ang nakapukaw ng atensyon nila.
Well, ayon sa mga naglabasang ulat, siya ay walang iba kundi si Lieutenant Raven Snapper, 30-anyos, at isang opisyal ng Philippine Navy na nagmula pa raw sa Cordillera Administrative Region (CAR), Luzon.
Sinasabing related si Snapper kay VP Sara na kaniya raw second cousin.
Nang maging bise-presidente raw si VP Sara, hiniling niyang maging miyembro ito ng kaniyang PSG o Protection Security Group, at napabilang nga sa close-in security ng pangalawang pangulo.
Kahit na maraming kinikilig kay Lt. Snapper, marami naman ang nagsabi ring huwag nang ungkatin pa ang mga detalye ukol sa kaniya bilang proteksyon na rin sa kaniya at kay VP Sara.