March 20, 2025

Home BALITA National

DOJ Sec. Remulla, hinamon si Roque: 'Magpaka-Pilipino siya!'

DOJ Sec. Remulla, hinamon si Roque: 'Magpaka-Pilipino siya!'
Photo courtesy: Manila Bulletin file photo, Harry Roque/Fcaebook

Diretsahang nagbigay ng komento si Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla hinggil sa planong paghingi ni dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque ng asylum sa Netherlands. 

KAUGNAY NA BALITA: Harry Roque, maghahain ng asylum sa The Netherlands

Sa pagharap sa media ni Remulla, isang hamon ang kaniyang sinabi para kay Roque. “Harapin niya kung ano ang isinasakdal sa kaniya magpaka-Pilpino siya,” anang DOJ Secretary.

Pinuna rin ni Remulla ang umano’y panghihimasok lang daw ni Roque sa kaso ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC).

National

Heydarian, happy sa 'immense progress' at latest HDI score ng Mindanao

“Actually he is a non-entity in this drama, he is trying to put himself in the picture,” saad ni Remulla. 

Matatandaang kamakailan lang ng muling masilayan ng publiko si Roque matapos maiulat na nagtatago umano nang maglabas ng utos ang House of Representatives (HOR) ng ipaaresto siya matapos ang hindi pagsipot sa imbestigasyon ng Kamara sa pagkakaugnay niya sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Ayon kay Roque, mananatili siya sa Netherlands bilang parte umano ng legal team ni dating Pangulong Duterte. Samantala, nilinaw naman ni Vice President Sara Duterte na hindi pa umano maaaring maging legal team ng dating Pangulo si Roque.

KAUGNAY NA BALITA: VP Sara, may kinakausap na lawyers na may 'ICC experience'

“Hindi pa kasi na-establish kung ano yung basis ng pag-stay niya dito sa Netherlands and we don't want complications ba. Gusto namin nakatutok talaga yung lawyers doon sa kaso and right now he's, I heard, applying for asylum? He publicly announced that already, so we want him to focus on his asylum and then we want our lawyers to focus on the case,” ani VP Sara sa interview ng ABS-CBN News.