March 19, 2025

Home BALITA National

SC, pinagkokomento mga anak ni FPRRD sa sagot ng DOJ sa kanilang petisyon

SC, pinagkokomento mga anak ni FPRRD sa sagot ng DOJ sa kanilang petisyon
MULA SA KALIWA: Rep. Paolo, Mayor Baste at Kitty Duterte (FB; file photo)

Inatasan ng Supreme Court (SC) ang magkakapatid na sina Rep. Paolo, Mayor Baste at Kitty Duterte na magkomento sa naging sagot ng Department of Justice (DOJ) sa kanilang petitions for habeas corpus para sa pagpapauwi sa kanilang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte mula sa International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands.

Base sa kautusan ng SC nitong Martes, Marso 18, binibigyan ang magkakapatid na Duterte ng limang araw upang magbigay ng komento sa sagot ng DOJ sa kanilang petisyon.

Ang DOJ ang tumatayong legal counsel ng mga opisyal ng gobyernong nagsilbing respondents sa mga petisyong inihain ng magkakapatid na Duterte matapos itong atrasan ng Office of the Solicitor General (OSG).

MAKI-BALITA: Matapos umiwas ng OSG: DOJ, tatayong counsel ng gov’t sa petisyon ng mga anak ni FPRRD

National

Mayor Baste, 'di totoong aarestuhin ng 40 pulis sa Davao

Kamakailan lamang nang maghain ang magkakapatid na Duterte ng consolidated petitions sa SC para maibalik sa Pilipinas ang kanilang ama mula sa kustodiya ng ICC.

Kasalukuyang nasa headquarters ng ICC si FPRRD dahil sa kasong “crimes against humanity” kaugnay ng madugong giyera kontra droga nito.

Nakatakda ang confirmation of charges hearing sa ICC para sa dating pangulo sa Setyembre 23, 2025.

MAKI-BALITA: Confirmation of charges hearing para kay FPRRD, itinakda ng ICC sa Sept. 23, 2025