March 19, 2025

Home SHOWBIZ Events

Marian Rivera hands-on sa bills sa bahay, may tips sa pag-handle ng pera

Marian Rivera hands-on sa bills sa bahay, may tips sa pag-handle ng pera
Photo courtesy: Richard de Leon/BALITA

Si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera ang brand ambassador ng inilunsad na digital wallet app na "PalawanPay" ng Palawan Group of Companies na sikat sa kanilang pawnshop at money remittance center.

Isinagawa ang media conference at launching ng app sa Happy Garden Cafe sa Jupiter Street, Makati City ngayong Martes, Marso 18, 2025.

Full support ang mga opisyal ng kompanya sa isinagawang media launch event sa pangunguna nina Bobby Castro, Founder/ Chairman; Angelita Castro, Deputy Chairman at Co-Founder; Lilian Castro-Selda, Vice Chairman at Chief Financial Officer; Karlo Castro, President at Chief Executive Officer; Robert Ben Castro, Chief Operating Officer; Lisa Lou Castro-Sabado, Chief Business Development Officer; at Korina Castro-Fernando, Chief Human Resources Officer.

Ayon kay Karlo, kaya si Marian ang napili nila ay dahil kinakatawan daw ng Kapuso star ang pinaniniwalaan ng kanilang kompanya.

Events

Kiefer Ravena, Diana Mackey magkaka-baby na!

“We’ve always looked for someone who truly represents what Palawan stands for — resilience, hard work, and success. Marian’s journey, the sacrifices she has made, and her dedication to her family and career mirror Palawan’s own story. Gano’n din ang Palawan — laging nagsisikap, laging nandyan para sa mga Pilipino," aniya.

Saad pa ng mga opisyal, importante para sa kanila ang pagpili ng tamang endorser dahil kinakatawan niya ang kredibilidad ng kanilang produkto at serbisyo kaya naman si Marian ang talagang napili niya bilang isang aktres, misis, at ina sa dalawang anak.

Nagpasalamat din si Bobby, ang founder at chairman kay Marian, dahil sa pagpayag niyang maging "leading lady" niya.

"Siyempre 'yong ginawa naming mag-asawa, 'yong aming pundasyon, eh 'yong values gaya ng pagmamahal sa kapwa, care, integrity, pagmamahal sa ating customers, na sabi nga ni Karlo, iyan ang hinahanap namin sa endorser. At siyempre, isa pa 'yong ating adaptability na sumunod sa kung ano ang nasa market ngayon. Kaya meron tayong PalawanPay, bago nating produkto," aniya.

Kaugnay nito, natanong naman si Marian pagdating sa tamang pag-manage ng finances, lalo na sa kaniyang tips sa mga gaya niyang ina.

"Well kaya nandiyan si Palawan, 'yan 'yong sinasabi ko, nandiyan na lahat eh, 'yong pagbabayad mo ng bills, pagpapasuweldo mo sa mga kasambahay mo, at 'yong mga kasambahay mo puwede mo pang turuan, na alam mo 'yon, hindi na sila lalabas pa, para 'yong pera na kinikita nila, agad nilang maipadala sa mga mahal nila sa buhay, saan mang panig ng mundo," aniya.

"Literal 'tong mundo kasi may abroad tayo, and then Pilipinas. So ako mahalagang-mahalaga 'yan sa akin kasi sa bahay namin, naka-task talaga ako sa mga bills. Pero binibigay ng asawa ko yong... [pambayad]," hirit pa ni Marian na ikinatawa ng media people na dumalo sa launching.

"Don't get me wrong. Ako ang naka-task doon [pag-aasikaso ng bills]. 'Yong kuryente namin, Maynilad [tubig] namin, phone bills and everything, lahat 'yan naka-task sa akin. At siyempre busy mom din ako. Sobrang hands-on ako sa mga anak ko, sa career ko, sa asawa ko, sa mga ineendorso ko, so lahat 'yan hindi ko kayang gawin ng isang click lang. Kaya nandito itong Palawan, itong mga application na ito, para mapadali ang buhay ko, buhay ng mga busy na mga tao," dagdag pa niya.

Dagdag pa niya, may notebook pa raw siya kung saan inililista niya ang mga bills at gastusin para nata-track din niya ang mga lumalabas na pera sa kanilang bahay, dahil hindi naman daw biro kung paano ito kinita.