March 19, 2025

Home BALITA

Castro sa pagtanggal ng FB page niya: 'This is a clear case of digital harassment'

Castro sa pagtanggal ng FB page niya: 'This is a clear case of digital harassment'
Photo Courtesy: ACT Teachers Party-list (FB)

Mariing kinondena ni ACT Teachers Partylist Representative at senatorial aspirant France Castro ang Meta dahil sa pagkabura ng kaniyang official Facebook page.

Sa isang Facebook post ng ACT Teachers Partylist nitong Lunes, Marso 17, sinabi ni Castro na isa raw itong malinaw na kaso ng “digital harassment” at “censorship.”

"This is a clear case of digital harassment and censorship. META is systematically silencing progressive voices that speak truth to power," saad ni Castro. 

Dagdag pa niya, “Ang aking Facebook page ay ginagamit para maghatid ng mahahalagang impormasyon sa ating mga kababayan, lalo na sa mga guro at kawani ng edukasyon.”

National

Mayor Baste, 'di totoong aarestuhin ng 40 pulis sa Davao

Sa huli, nanawagan siya sa Meta para agarang ibalik ang kaniyang Facebook page pati na rin ang account ng iba pang progresibong grupo at indibidwal. 

“Hindi kami magpapatahimik. Patuloy kaming magsasalita para sa kapakanan ng mga guro, mag-aaral, at mamamayang Pilipino," dugtong pa ng kongresista.

Matatandaang sinuspinde na rin ng Meta ang Facebook page ni Castro noong Pebrero dahil umano sa “impersonation.”

MAKI-BALITA: ACT Teachers, kinondena pagsuspinde sa FB page ni Castro