Ilang lugar na sa Mindanao ang nagdeklarang persona non grata sa political analyst na si Richard Heydarian matapos ang kontrobersyal niyang pagkumpara sa Mindanao bilang “sub-Saharan Africa.”
Matatandaang kamakailan lang ay umani ng samu’t saring reaksiyon ang nasabing komento ni Heydarian nang ikumpara niya umano ang Human Development Index (HDI) ng Mindanao sa sub-Saharan sa Africa, kasunod ng pagkakaaresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon sa International Security Studies (ISS) Africa Futures, ang sub-Saharan Africa ay ang bahaging timog ng kontinenteng Africa na binubuo ng 48 bansa. Bunsod ng heograpikal nitong lokasyon, sadsad umano sa poverty line ang naturang rehiyon.
Kaugnay nito, matapos ang naturang pagkukumpara ni Heydarian sa Mindanao bilang sub-Saharan Africa, marami ang tila hindi pumabor sa kaniyang naturang pahayag.
Noong Marso 14, 2025 nang ideklara ng Iligan City sa Lanado del Norte bilang persona non grata si Heydarian matapos umano ang "baseless accusation nito" sa Mindanao. Habang noong Linggo, Marso 15, tuluyang idineklarang personal non grata ng Isabela City sa Basilan si Heydarian. Ayon sa City Councilor na si Abner Rodriguez, ang kanila raw desisyon ay simbolo nang pag-alma sa naging pahayag ni Heydarian sa buong Mindanao.
“The declaration of ‘persona non grata’ is a symbolic gesture, expressing the council's strong disapproval of Heydarian's remarks. While it does not carry legal implications, it serves as a public statement of the city's stance on the matter," ani Rodriguez sa isang Facebook post.
Sinundan din ito ng Cotabato City kung saan iginiit ni Cotabato City Mayor Bruce Matabalo ang umano'y pagbabalewala ni Heydarian sa kaniyang naging komento.
"His refusal to take responsibility, coupled with his administrative accusation that his critics are being "racist" and "unresearched," only reveals his detachment from the realities of Mindanao," ani Matabalo.
Habang nitong Lunes, Marso 17 nang ideklara din ng El Salvador City sa Misamis Oriental at City of Valencia sa Bukidnon ang pagdedeklara ng persona non grata [ara kay Heydarian.
"His misrepresentation is creating an unfavorable image of Mindanap among the global audience of CNN. This action is diluting our effort in uplifting our home region Mindanao to which the City of El Salvador resides," anang lokal na pamahalaan ng El Salvador.
Samantala, sa pamamagitan ng Facebook live nitong Lunes Marso 17, humingi ng paumanhin si Heydaian sa mga nasaktan umanon sa kaniyang naging pahayag.
"Let it make it clear doon sa ating mga kababayan sa from Mindanao, that my sincere apologies if anyone that was inadvertently hurt by me mentioning certain comparison when it comes to Human Development Index," ani Heydarian.