March 17, 2025

Home BALITA

Hontiveros, malungkot dahil kontrobersiyal ang isinusulong niyang SOGIE Bill

Hontiveros, malungkot dahil kontrobersiyal ang isinusulong niyang SOGIE Bill
Photo Courtesy: Screenshot from Toni Talks (YT), Pexels

Naghayag si Senadora Risa Hontiveros ng pagkalungkot sa pagiging kontrobersiyal ng isinusulong niyang Sexual Orientation and Gender Identity Expression (SOGIE) Equality Bill o kilala rin bilang Anti-Discrimination Bill.

Sa latest episode ng “Toni Talks” nitong Linggo, Marso 16, sinabi ni Hontiveros ang dahilan kung bakit siya nalulungkot sa pagtanggap ng marami sa nasabing panukalang batas.

“I’m just so sad na controversial siya dahil wala naman siyang hinihinging bago o espesyal na karapatan sa LGBTQIA+ community. Pantay lang na karapatan sa lahat natin, anoman ang SOGIE natin,” saad ni Hontiveros.

Dagdag pa niya, “Mayro’n akong beloved na tito sa Navarro side. He was a gay man. He had to go abroad para lang mabuhay ng kung sino siya at kung sino ang mahal niya. I very beautiful person talaga.”

National

Honeylet naiyak sa ginawa kay FPRRD: 'Kinidnap n'yo siya, wala kaming laban!'

Bukod dito—ayon sa senadora—isa rin daw sa mga anak niya ay bahagi ng LGBTQIA+.

“So very personal life works talaga ‘to,” aniya.

MAKI-BALITA: Sen. Risa, ininterview ni Toni Gonzaga para sa Women’s Month