March 17, 2025

Home BALITA National

Honeylet naiyak sa ginawa kay FPRRD: 'Kinidnap n'yo siya, wala kaming laban!'

Honeylet naiyak sa ginawa kay FPRRD: 'Kinidnap n'yo siya, wala kaming laban!'
Photo courtesy: Screenshots from SMNI News (FB)

Emosyunal ang partner ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na si Honeylet Avanceña sa pagbibigay ng kaniyang reaksiyon at saloobin sa nangyaring pag-aresto ng International Criminal Court (ICC) sa dating pangulo noong Martes, Marso 11 hanggang sa ilipad na ito sa The Hague, Netherlands para sa paglilitis kaugnay ng kasong "crimes against humanity."

Sa eksklusibong ulat at panayam ng SMNI News, inisa-isa ng lumuluhang si Honeylet ang mga sakripisyo at nagawa ng dating pangulo sa sambayanang Pilipino na sinuklian umano ng "panggigipit" at "pang-aabuso" ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.

Giit ni Honeylet, hanggang ngayon daw ay hindi siya makatulog dahil sa mga nangyari.

"Grabe talaga kinulong na, kinuha n'yo pa mula sa Pilipinas kung saan siya ipinanganak. Tapos ganito pa ang ginagawa n'yo sa amin. Hindi ako makatulog. Hindi ako makatira sa sarili naming bahay... Nagmamakaawa lang ako," bahagi ng panayam sa kaniya.

National

FL Liza, ibinida larawan nila ng pamilya kasama si Imelda

"Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Hindi ko talaga alam. Naawa na lang ako kasi kahit pagkain lang, pinagkaitan pa...

Nagsumamo siya sa taumbayan na ipagpatuloy ang pagdarasal para sa muling pagbabalik ng dating pangulo sa Pilipinas. Hindi raw sila titigil hangga't hindi naibabalik sa Pilipinas ang dating pangulo. 

Samantala, hindi na umano kakasuhan ng miyembro ng Special Action Force (SAF) si Honeylet matapos daw nitong pukpukin ng cellphone sa noo at magkabukol, sa kasagsagan ng pagdakip sa dating pangulo sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong Marso 11.

MAKI-BALITA: SAF na pinukpok ng cellphone ni Honeylet, hindi na magsasampa ng kaso