March 14, 2025

Home BALITA National

Palasyo, makikipagtulungan din sa Interpol 'pag nagbaba ang ICC ng warrant kay Sen. Bato

Palasyo, makikipagtulungan din sa Interpol 'pag nagbaba ang ICC ng warrant kay Sen. Bato
Photo courtesy: RTVM and Senate of the Philippines/Facebook

Nilinaw ng Palasyo na nakahanda rin silang makipagtulungan sa International Criminal Police Organization (Interpol) kung sakaling maglabas na ng arrest warrant ang International Criminal Court (ICC) laban kay reelectionist Senator Bato dela Rosa.

KAUGNAY NA BALITA: Sen. Bato, binasag na katahimikan: 'Ready to join the old man!'

Sa press briefing nitong Biyernes, Marso 14, 2025, nilinaw ni Presidential Communication Office (PCO) Undersecretary Atty. Claire Castro na hindi aniya maaaring pumili ang Palasyo sa obligasyon nila sa Interpol.

“Pareho pa rin po, hindi po kasi tayo puwedeng mamili. Kung ito po ay ginawa po at nakipag-coordinate, nakipagtulungan tayo sa Interpol, dahil ang dating Pangulo po ang subject po ng warrant of arrest, hindi po tayo puwedeng mamili, wala pong puwedeng special treatment,” ani Castro.

National

4.8-magnitude na lindol, yumanig sa Sulu

Paglilinaw pa niya, “So, kung mangyayari po ‘to sa iba pang suspect na may warrant of arrest, basta valid po yung warrant of arrest at ito po ay nai-force thru the Interpol, gagawin pa rin po natin kung ano yung dapat pong gawin ng gobyerno.”

Matatandaang noong Martes, Marso 11, nang tuluyang maaresto si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng bisa ng warrant of arrest na ibinaba ng ICC, kasama ang Interpol.

KAUGNAY NA BALITA: FPRRD, sinilbihan na ng warrant of arrest ng ICC — Malacañang 

Samantala, kamakailan lang nilinaw ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., na ang pag-aresto umano kay dating Pangulong Duterte ay alinsunod sa pagtalima ng bansa sa obligasyon daw nito sa Interpol. 

"Interpol asked for help and we obliged because we have commitments to Interpol which we have to fulfill. If we don’t do that, they will no longer help us with other cases involving Filipino fugitives abroad," ani Marcos. 

KAUGNAY NA BALITA: Ex-Pres. Duterte, inaresto alinsunod sa commitment ng 'Pinas sa Interpol—PBBM