March 14, 2025

Home BALITA National

Ex-Pres. Duterte, haharap na sa ICC ngayong Marso 14

Ex-Pres. Duterte, haharap na sa ICC ngayong Marso 14
BALITA FILE PHOTOS

Nakatakda ngayong Biyernes, Marso 14, ang "initial appearance" ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Pre-Trial Chamber I ng International Criminal Court (ICC) para sa kasong "crimes against humanity" kaugnay sa kaniyang War on Drugs.

Sa ulat ng ABS-CBN at GMA News, magaganap ang "initial appearance" ni Duterte mamayang alas-2 ng tanghali CET (alas-9 ng gabi sa Pilipinas). 

Ito ay upang makumpirma ng ICC ang identidad ng dating pangulo at upang maipaalam sa kaniya ang mga umano'y alegasyon laban sa kaniya.

Haharap si Duterte sa mga judge na sina Judge Iulia Antoanella Motoc (presiding), Judge Reine Adélaïde Sophie Alapini-Gansou at Judge María del Socorro Flores Liera. 

National

Ilang mga senador, pinagsusukat na ng impeachment robe

Naabisuhan din umano ang Pre-Trial Chamber tungkol sa hiling ni Duterte para sa presensya ng kaniyang dating Executive Secretary na si Salvador Medialdea. 

Matatandaang noong Martes ng umaga, Marso 11, nang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) si Duterte mula sa Hong Kong, at saka siya dinala sa Villamor Air Base sa bisa raw ng arrest warrant ng International Criminal Court (ICC).

BASAHIN: FPRRD, sinilbihan na ng warrant of arrest ng ICC — Malacañang 

Noong Miyerkules ng gabi, Marso 12, nang dumating si Duterte sa Rotterdam Airport. Kasunod nito ay dinala na siya sa kustodiya ng ICC.

BASAHIN: Ex-Pres. Duterte, nasa kustodiya na ng ICC

KAUGNAY NA BALITA: Paglilitis kay FPRRD, posibleng abutin ng 8 taon—ICC assistant to counsel