Plano raw ni Vice President Sara Duterte na sundan ang kaniyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa The Hague, Netherlands, kung saan haharap ito sa International Criminal Court (ICC).
Nitong Martes ng gabi, Marso 11, nakausap ng media si VP Sara habang siya ay nasa labas ng Villamor Air Base sa Pasay City, matatandaang hindi siya pinayagang makapasok sa loob.
“Yes, mayroon na pong arrangements kasi kailangan kong kausapin iyong mga abogado doon. Kung saan man siya dalhin pupunta kami, ako," ani Duterte.
Sinabi rin niya na pag-uusapan nila ng mga legal counsel ng kaniyang ama ang mga hakbang na gagawin nila matapos ang ginawang pag-aresto sa dating pangulo dahil sa umano'y “krimen laban sa sangkatauhan" ng administrasyon nito.
KAUGNAY NA BALITA: FPRRD, sinilbihan na ng warrant of arrest ng ICC — Malacañang
SAMANTALA, ilang minuto matapos umalis ni Duterte, kinumpirma mismo ni Pangulong Bongbong Marcos na dadalhin ang dating pangulo sa The Hague.
BASAHIN: PBBM, kinumpirma na dadalhin si ex-Pres. Duterte sa The Hague
Nauna na ring sinabi ni Marcos na ang pag-aresto kay Duterte ay alinsunod sa commitment ng bansa sa Interpol at hindi "political persecution."
BASAHIN: Ex-Pres. Duterte, inaresto alinsunod sa commitment ng 'Pinas sa Interpol—PBBM
BASAHIN: PBBM, itinangging 'political persecution' pag-aresto ng ICC kay FPRRD