Idinaan ni Vice President Sara Duterte sa pagpapalit ng profile picture at cover photo ng kaniyang opisyal na Facebook account, ang panawagang maibalik ng bansa ang kaniyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Bagama’t walang caption na inilagay, laman naman ng naturang profile picture at cover photo simpleng mensahe.
“Bring PRRD home,” anang mga larawan na nasa pulang ribbon.
Matatandaang nitong Miyerkules din, Marso 12, 2025 nang makumpirma sa mga ulat na tumulak na si VP Sara patungong Amsterdam sa The Netherlands upang sundan si FPRRD na ibinyahe na noong Martes, Marso 11, 2025 patungo sa The Hague sa International Criminal Court (ICC).
KAUGNAY NA BALITA: VP Sara, susundan ang ama sa The Hague
Noong Martes nang arestuhin si dating Pangulong Duterte sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kasunod ng pagbaba ng arrest warrant ng ICC kaugnay ng umano’y crime against humanity ng administrasyong Duterte.
KAUGNAY NA BALITA: 'Krimen laban sa sangkatauhan' dahilan ng arrest warrant vs FPRRD – PCO