Pilipinas ang nanguna sa buong mundo bilang “top seller” ng mga ginto noong 2024 matapos nitong maibenta ang tinatayang 29.4 metric tons of gold noong nakaraang taon.
Ayon sa ulat ng isang lokal na pahayagan, kinumpirma ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na ang bansa ang nangunang top seller ng mga ginto sa buong mundo, partikular na noong first half ng 2024.
“The BSP took advantage of the higher prices of gold in the market and generated additional income without compromising the primary objectives for holding gold, which are insurance and safety,” anang BSP.
Samantala, ayon sa isang online brokerage na Bestbrokers, may ilang mga dahilan kung bakit ipinagbibili ng isang bansa ang kanilang yamang ginto sa pandaigdigang merkado. Kabilang na rito ang pagtugon sa economic pressure ng bansa, financial restructuring at ang pagtaas ng presyo ng bentahan sa ginto sa buong mundo.
Sumunod sa Pilipinas ang Kazakhstan (10.18T), Singapore (10.08T), Thailand (9.64T) at Germany (1.12T).