March 12, 2025

Home BALITA

PCO, nilinaw na may local court sa Netherlands na haharapin si FPRRD, bago dumiretso sa ICC

PCO, nilinaw na may local court sa Netherlands na haharapin si FPRRD, bago dumiretso sa ICC
Photo courtesy; screenshot from rtvm and file photo

Iginiit ni Presidential Communication Office (PCO) Undersecretary Atty. Claire Castro na ihaharap muna sa isang local court sa Netherlands si dating Pangulong Rodrigo Duterte, bago siya tuluyang dalhin sa International Criminal Court (ICC) sa The Hague na naroon din sa nabanggit na bansa.

Sa kaniyang press briefing nitong Miyerkules, Marso 12, 2025, tinanong ng isang reporter si Castro kung ano raw ang magiging proseso kapag nakarating na sa The Netherlands si dating Pangulong Duterte. 

“Sa aking pagkakaalam, dadalhin muna siya sa isang local court at doon titingnan, aalamin kung tama ba 'yong proseso ng pag-arrest at kapag po navalidate, na sinabi naman na tama ang pagkakadala sa kaniya sa bansang kung saan siya dadalhin, dadalhin na po siya sa The Hague, sa ICC,” saad ni Castro. 

Matatandaang noong Marso 11 nang arestuhin si dating Pangulong Duterte sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kasunod ng pagbaba ng arrest warrant ng ICC kaugnay ng umano’y crime against humanity ng administrasyong Duterte.

National

Dagupan City, makararanas ng 'danger' level heat index sa Marso 13

KAUGNAY NA BALITA: 'Krimen laban sa sangkatauhan' dahilan ng arrest warrant vs FPRRD – PCO