Sinariwa ng isang opisyal ng Philippine National Police (PNP) ang relong ibinigay raw sa kaniya ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa Facebook post ni “Nim Rod” noong Martes, Marso 11, sinabi niyang nasa kaniya pa rin daw ang nasabing relo na ibinigay ng pangulo noong 2017.
“I still have the watch you gave us during our send-off ceremony for the test mission in 2017,” saad niya.
Dagdag pa ng opisyal: “Now, I fully understand the significance behind your choice to give us a watch instead of something else. ‘Give me time, and will give you my life.’
Hindi ito ang unang beses na nagbigay ng relo si Duterte. Matatandaang noong 2019 ay naiulat na ipinagkaloob ng dating pangulo ang kaniyang Oris watch sa isang kadete ng Philippine Military Academy (PMA).
Kaya naman hindi naiwasang ikumpara si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. kay Duterte na matapos umanong hingan ng relo ng isang kadete ay tumangging magbigay.
MAKI-BALITA: Kadeteng hiningi ang relo ni PBBM, naparusahan—AFP
Ibinahagi ni “Nim Rod” ang naturang post matapos maiulat na natanggap na raw ng International Criminal Police Organization (Interpol) noon ding Martes, Marso 11, ang opisyal na kopya ng warrant of arrest mula sa International Criminal Court (ICC) laban kay Duterte.
Ang nasabing arrest warrant na inihain sa dating pangulo ay para sa krimen laban sa sangkatauhan dahil sa pagpapatupad niya ng kontrobersiyal na giyera kontra droga.
MAKI-BALITA: FPRRD, sinilbihan na ng warrant of arrest ng ICC — Malacañang
Batay sa 2017 year-end accomplishment report ng Office of the President (OP) sa ilalim ng administrasyon ni Duterte, 20,322 drug suspects umano ang napatay sa bansa mula Hulyo 2016 hanggang Nobyembre 2017.
MAKI-BALITA: FPRRD, sinilbihan na ng warrant of arrest ng ICC — Malacañang