March 13, 2025

Home SHOWBIZ

Cryptic post ni Romnick Sarmenta: 'Parang gulong ang buhay 'di ba?'

Cryptic post ni Romnick Sarmenta: 'Parang gulong ang buhay 'di ba?'
Photo Courtesy: Romnick Sarmenta (FB)

Isang makahulugang post ang ibinahagi ng aktor na si Romnick Sarmenta tungkol sa umano’y dapat managot.

Sa X post ni Romnick nitong Miyerkules, Marso 11, nagbitaw siya ng isang retorikang tanong na parang gulong daw ang buhay.

“Parang gulong ang buhay di ba? Pagdasal nating maging maayos lahat... at mapanagutan lahat ng mga dapat managot. Next?” saad ni Romnick

Umani naman ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

Tsika at Intriga

Rosmar kay FPRRD: 'Malakas lang siya tingnan kasi matapang... pero lolo na siya!'

"Ay sya bato dela Rosa @BatoDelarosa @batodelarosaph, magiging buhangin ka na lang"

"They were so bold in abusing their power, unafraid that their abuses will haunt them."

"mostly nakatakas na ang mga dapat managot like Roque, Guo, etc..."

"Madami ang dapat managot, at dapat managot silang lahat hanggang sa sukdulang abot ng batas. Dasal at kilos, pareho, ang kailangan."

"Next, the conviction of SWOH in the impeachment trial."

"next... impeachment hearing"

Matatandaang kinumpirma na ng Malacañang noong Martes, Marso 11, na natanggap na raw ng International Criminal Police Organization (Interpol) ang opisyal na kopya ng warrant of arrest mula sa International Criminal Court (ICC) laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang nasabing arrest warrant na inihain kay Duterte ay para sa krimen laban sa sangkatauhan dahil sa pagpapatupad niya ng kontrobersiyal na giyera kontra droga.

MAKI-BALITA: FPRRD, sinilbihan na ng warrant of arrest ng ICC — Malacañang

Batay sa 2017 year-end accomplishment report ng Office of the President (OP) sa ilalim ng administrasyon ni Duterte, 20,322 drug suspects umano ang napatay sa bansa mula Hulyo 2016 hanggang Nobyembre 2017.

MAKI-BALITA: FPRRD, sinilbihan na ng warrant of arrest ng ICC — Malacañang