Nagbibigay ng 50% off ang Silingan Coffee sa lahat ng kanilang hot drinks para sa kanilang mga customer ngayong araw bilang bahagi ng makasaysayang sandali ng hustisya dahil sa pagkaaresto ni dating Pangulong Duterte.
Ang arrest warrant na inihain kay Duterte mula sa International Criminal Court (ICC) ay para sa krimen laban sa sangkatauhan dahil sa pagpapatupad niya ng kontrobersiyal na giyera kontra droga.
Kaya sa latest Facebook post ng naturang coffee shop ngayong Miyerkules, Marso 12, inanyahan nila ang publiko na bisitahin ang kanilang pwesto na matatagpuan sa Cubao Expo sa Quezon City.
“Panatilihin ang init ng panawagan ng hustisya,” saad sa text na nasa art card.
Bago pa man ito ay nauna na nilang inanunsiyo noong Martes, Marso 11, ang kanilang promo para sa “Unang Hakbang sa Pananagutan.”
Anila, “Hanggat hindi naililipad papalabas ng bansa ngayong araw si Dating Pangulo ang promo ay sa Unang Hakbang sa PANANAGUTAN! ay EXTENDED sa closing time ng mga shops. All drinks 50% off from 1 pm till closing time.”
Ang Silingan Coffee ay isang coffee shop na sinimulang itayo noong Agosto 2021 at pinangangasiwaan ng mga biktima ng giyera kontra droga ni Duterte