March 12, 2025

Home BALITA

Silvestre Bello, tatayong legal counsel ni ex-Pres. Duterte

Silvestre Bello, tatayong legal counsel ni ex-Pres. Duterte
photo courtesy: Bello (MB file photo), Rodrigo Duterte (Veronica Duterte/IG)

Si dating Labor Secretary Silvestre Bello III ang tatayong legal counsel ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. 

Kinumpirma ito mismo ni Bello sa Balita. 

Samantala, binasahan ni CIDG chief Nicolas Torre III ng Miranda Rights si dating Pangulong Rodrigo Duterte matapos siyang silbihan ng arrest warrant ng International Criminal Court (ICC) para umano sa “krimen laban sa sangkatauhan.”

Kasunod ito ng pagkumpirma ng Malacañang nito ring Martes na natanggap na raw ng INTERPOL Manila ang opisyal na kopya ng warrant of arrest mula sa ICC laban kay Duterte.

PBBM sa mga tagasuporta ni FPRRD: ‘The government is just doing its job’

MAKI-BALITA: FPRRD, sinilbihan na ng warrant of arrest ng ICC — Malacañang

Si Bello ay isang abogado at peace worker and human rights advocate. Nagtapos siya ng Political Science sa Manuel L. Quezon University at Law sa Ateneo de Manila University.

Naging Kalihim siya ng DOLE sa ilalim ng administrasyon ni Duterte. 

Taong 2008 hanggang 2010, siya ay naging Cabinet Secretary. Bukod dito, naging Kalihim din siya ng Department of Justice (DOJ) sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Cory Aquino (1990-1992) at dating Pangulong Fidel Ramos (1998). 

Siya rin ay naging solicitor general mula noong 1996 hanggang 1998.